Halos ayan lahat ang
bukambibig ng mga tao, kahit tanungin mo sila kung ano’ng parte ng buhay
estudyante nila ang nais nilang balikan. Isa lang ang laging sagot, yung
highschool life ko.
Dati iniisip ko kung
bakit nga ba. Hanggang nagka-ideya ako kung bakit: Pumasok tayo sa highschool
sa edad na 12 or 13. At nagtapos ng 16 o 17. Sa 4 years span ng paglagi natin
sa highschool, masasabi natin na dumaan rin tayo sa isang bahagi ng development
ng isang teenager, ang adolescence period. Kung saan naghalo ang saya natin
bilang bata at pag-iisip natin bilang grown-up or isang nagbibinata at
nagdadalaga.
Sa highschool, pwede
pa tayong maglaro ng teks, pogs, taguan pung, patintero, Chinese garter at duel
cards. Hindi pa tayo masyadong conscious sa mga itsura natin, kahit medyo
haggard, pawisan, di pantay ang pagpupulbo, sabog ang buhok.
Dito rin natin
nakilala si First Crush. Dito tayo unang kinilig. Dito tayo unang makapunta sa
mall na hindi kasama ang kamag-anak o kapamilya. Dito tayo nagsimulang
mag-avail ng “barkada picture package”. Dito tayo unang nakatikim ng alak. Dito
tayo natuto ng brutal na pangungupya. Dito rin tayo natuto ng kapangyarihan ng
“copy-paste” kapag gagawa ng projects or assignments. Ang daming UNA sa buhay
natin dito. (at marami pang UNA, di ko na babanggitin yung iba.)
Sa highschool rin
natin nakilala ang mga solid nating barkada. May pangalan pa. Mula sa initials
ng pangalan o apelyido, o kaya naman sikat na banda, o galing sa isang astig na
name, o acronym tulad ng SaNMaPogSS (Samahan Ng Mga Pogi Sa School) o kaya naman
KOTG (Kikay on the Go) o kaya naman SBE (Solid Barkada Ever). Pero ngayong
college wala nang teks at pogs. Wala na ring ten-twenty at doctor kwak-kwak.
Wala na rin ang dating barkada. Magigising na lang tayo sa bagong mundong hindi
natin alam kung ano ang i-o-offer. Pure competition. Kapaan ng ugali.
Pakisamahan at minsan plastikan. Backstabbing, parinigan at murahan. Parang
kahabaan ng EDSA, puro usok at polusyon. Puro bad vibes. Minsan malas mo pa
kung pangit ang facilities. Mataas ang expectations sa’yo ng lahat ng tao. Para
kang nakikipaglaban sa sarili mong World War III. College life nga naman.
Pero hindi naman
lahat ng college life ng tao ay isang whirlwind. May ino-offer din itong
masasaya sa buhay. Nakakapunta tayo sa malalayong lugar. Nakakalabas tayo sa
maliit na mundo ng highschool. Nahahasa ang ating competitiveness. May mga
barkada din tayong nakikilala dito, di nga lang sing solid ng SanMaPogSS, KOTG
at SBE. Pero okay na yun.
Kung ako tatanungin,
mas gusto ko talaga ang highschool life pero may isang bagay lang akong nais
ipagmalaki nung tumuntong ako sa mundo ng kolehiyo, ang pagiging FIGHTER. Dito
ako natutong lumaban sa buhay. Lumaban para sa pangarap. Dito ko naranasang
matalo at bumangon. Dito ko naranasang tumayo sa sarili kong paa. Dito ko
nasabi sa sarili kong “Kaya ko kayong lahat.” Ang buhay ay parang MRT station,
minsan marami ka pang kailangang daanan para makapunta ka sa pinapangarap mong
istasyon. Makakaramdam ka ng siksikan, minsan buong biyahe ka nakatayo, minsan
patay ang aircon. Minsan naman may mabait na magpapaupo sa’yo at minsan
kailangan mong maging listo para makaupo ka agad sa isang available na upuan.
Masaya ang highschool life pero sa buhay natin, di lang puro saya, dapat may
challenge na I think, yan ang specialty na offer ng COLLEGE life. Ano sa tingin
mo?
No comments:
Post a Comment