Thursday, August 18, 2011

Ang Mga Babae Talaga, Oo!

            Isang gabi habang nagpo-food trip ang magkaibigan sa terrace.

"Kamusta na, pare?”

“Ako? Okay lang. Ito nagmumuni-muni, nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba! Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? Eh, yung hirap na dinadaan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal niya? Ang feeling ng masaktan pagnabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap natin. Ang alam lang yata nila ay ang mamili ng manakit, at magsaya. Tingin mo?"

"Lagi naman ganun, eh. Una palang, lalaki na ang naghihirap. Hassle sa ’tin ang panliligaw pero bago pa yun, kung anu-ano pang diskarte ang gagawin natin para masabi sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap sabihin na mahal mo na yung babae, di ba? Tapos liligawan pa natin, patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max, maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, lahat na! Kulang nalang eh pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.

“Oo, tol. Sa trip lang nila. Wala silang paki kahit na mahal talaga natin sila. Basta ang alam nila, kapag hindi nila tayo trip, isang malaking ‘hindi’ ang makukuha natin, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa asing buong-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin sila, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang standards o uuwi ka na lang na badtrip, iiling-iling, at minsan, luhaan."

“Wala tayong magagawa, marami silang alibi eh, ito ang mga examples ng mga alibi nila: ‘Hindi pa ako ready, eh,’ ‘Sorry, pero I think we should just be friends,’ ‘Ha? Uhhmm, nagpapatawa ka ba?,’ ’Pag-iisipan ko muna,’ "Para lang kitang kapatid, eh.’ Isang malaking pagsaklob ng langit at lupa 'yon para sating mga lalaki.”

"At hindi lang yun, tol. Sa pre-relationship stage pa lang yun. Pag sinagot na nila tayo, sa atin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalaki kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtiya-tiyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo, tayo!”

“Sila? Ummm? Teka, isipin ko…Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat mag-meet; sila ang magte-text ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magde-demand sa’yo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kailan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kailan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kailan ka corny. Ewan! Ganun yata talaga."

"Hindi pa yun tapos, pare. Dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, eh di okay. Pag may problema, kasalanan natin. Hay, buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal natin kaya di na natin iniintindi yun."

"Pero alam mo, tol. Feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun? Iba tayo magmahal, eh. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubuslubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, magda-drama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan, kababaihan...Iba talaga tayo pagnagmahal."

"At ito ang pinakamasaklap. Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better satin, o kaya they need f*cking space and time muna. Badtrip ‘no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod."

"At ano pa ang kasamang hassle do’n? Syempre, wasak na ang imahe natin. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak."

"Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-o-offer sila ng "friendship" pagkatapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts natin nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image natin, at higit sa lahat, mag-iisip kung papano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomoroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makatulog…Ang hirap maging lalaki. Lagi ka nalang naiiwan sa ere. Ano, pare? Hindi ka na nga nagsasalita? In-love ka ‘no?"

“Ako, kamusta? Eto. Pa easy-easy, bubuntong-buntong hininga, titingin-tingin sa stars, mumuni-muni..."

Ang mga babae talaga, oo.

2 comments: