Masasabi kong medyo swerte
ako. Kasi 1992 kid ako eh. Halfway ng modern at mga sinaunang laro ang mga
naabutan ko. Tulad ng "Langit-Lupa", "Base to Base",
"Patintero" at marami pang iba.
Malalaman mo na batang kalye
ka kapag alam mong kantahin to: "Kapal ng mukha, di na nahiya. Dapat sayo
pasabugin ang mukha. Ulo ulo lang, di kasama katawan. Pag kasama katawan, sabog
pati laman. Ibong tiririt mayang.. pambansang walis..tingting. Tawas na durog
para kay ______, may putok, ikaw yun."
Ang sarap alalahanin ang
paglalaro ng Ice, Ice, Water kung saan kapag nahawakan ka ng taya, hihinto ka,
at kapag nahawakan ka ng kapwa mo manlalaro at sinabing Water, doon ka pa lang
pwedeng gumalaw. Kapag na-"ICE" kayong lahat, isisigaw niyo ang
GENERIC word na nagsasabing tapos na ang lahat: "VIVA!" sabay upo at
taas ng kamay na naka-PEACE sign, ang huling makaupo, siya yung taya. Naaalala
ko rin yung paglalaro ng mga lalaki ng tanching ng mga flat na patong hugis
superhero at paglalaro ng mga babae ng paper doll. Nasan na kaya ang mga
jolens? yoyo?
Naaalala ko rin nung bata
ako, halos buong maghapon ako nasa kalye (kapag walang pasok) Aalis ako sa
bahay namin ng may hawak ng kalahating dangkal na teks ng Dragon Ball o Ghost
Fighter at uuwi akong may laman na ang bandang ibabang bahagi ng damit kong
maluwang. Punung puno ng teks. Nanalo ako! Tapos sasabihin ng mga magulang ko,
"Oh! Ilaga na natin yan!"
Hay! Nakakamiss talagang
maging bata. May naalala pa ako. Naaalala ko yung pagbibilang ko ng teks!
"Isang Babae.." bawal nang ituloy. haha. May taya pang sampu sa
tigagalawa. Bet na lahat pati pato't pamanggulo. Ubusang lahi. Pabakas. Kapag
may butal ang tawag dun ay "cha".
Ang sarap din maglaro ng
tumbang preso, kutserokutsero, bente-uno, taguan at kung anu-ano pa.
May mga laro ding more on
kanta. Bahay Kubo, na may iba't ibang variations pa ng paggalaw ng kamay. Meron
ding mga larong pakanta lang, tulad ng "I wanna be a tutubi na walang..
tinatagong bato.. na nahulog sa lupa.. tinuka ng manok.. na nanggaling sa
bundok." Meron ding mga larong kalyeng kailangan ng matinding honesty at
pakiramdam: "Pass the Message" na hindi mo mamamalayang tapos na pala
ang laro.
May mga nausong kanta din
nung bata ako, yung "Sarah sarah prinsesa.. Lavinia Lavinia inggetera,
Loti Loti iyakin, Emengard Emengard Sumbungin, Miss Amelia, Maawa ka, Miss
Minchin, mukhang pera!" "Eugene, Taguro, Jeremiah Jericho, Lupin The
Third Minahal si Fujiko"
May mga naging sikat na
kanta din na sinasabayan natin mula sa mga palabas sa TV. "Aking Ina mahal
kong ina, pagmamahal mo, aking ina." "Heidi, Heidi, anak pawis ka ng
kabundukan" "Ako si Blink sa bawat oras naririyan, tutulong sa
nangangailangan." "Sina B1 at B2 laging magkasama.."
Proud to be Pinoy din tayo.
May mga sumikat na kanta mula sa mga palabas sa TV na gawa ng mga Pinoy.
"Hirayamanawari, Hirayamanawari, mga pangarap natin, ating abutin, ang
kapangyariha'y nasa puso natin, Hirayamanawari, ating abutin."
"Bayahani.. Bayahani.. Bayani!"
"Eksperimento 2x, tuklasin kung
anong mangyayari dito."
Hay! Nakakamiss. Kawawa
naman ang mga kabataan ngayon. Hindi na nakakalabas. Sina PSP, PS3, Wii,
Internet at si Computer na lang ang mga nagiging kaibigan. Sana, maranasan rin
nila yung mga naranasan ko. Sana maging batang kalye din sila. Para masaya!
No comments:
Post a Comment