Thursday, August 18, 2011

Wala Lang

(Ano ba talaga ang ibig sabihin?)

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "wala lang"?

Wala raw pero obvious naman. Dine-deny, pero totoo naman. It comes out natural. Intentions nito ay maganda naman daw.

Pero bakit "wala lang" ang sinasabi kahit meron naman talaga? Nahihiya? Natotorpe? Natatakot? Nakalimutan? Nagpapahabol? Nagpapakipot?

Wala lang, ngunit merong laman. Ambiguous, vague, malabo, mahirap maintindihan. Pero kung ikaw ang magsasabi ng "wala lang" sa kausap mo, ano ang ibig mong sabihin? Nakangiti, nakasimangot, kahit sa ano pa mang paraan, ang "wala lang" ay nagpapahiwatig ng kagustuhang may makasama, makausap, makapiling. Ano nga ba talaga? Wala lang. Wala.

"Would you rather confess your love and get hurt or would you keep it by yourself and continue to love but still get hurt?"

'Pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao at pagkatapos, ikaw ay nasaktan, masarap ba ang feeling? O mas masarap ang magmahal na lang sa kalayuan at hindi maipagtapat ang nararamdaman? Parehong masakit. Parehong masarap. Pero kung titimbangin, ano nga ba ang mas masakit? You confessed, got rejected, got hurt. But the pain will go away, at least, nasabi mo. No regrets daw.

You decided not to tell, you will love her/him, but you will see her/him love another person and you get hurt. At least, mahal mo, kahit masakit, masaya naman siya. So, ano sa dalawa ang mas masakit? Wala. Masakit ang hindi magmahal. So, wala sa dalawa. Wala.

"What would be the greatest lie in the world?"

Sabi ng iba, destiny happens. Fate interferes. Liars. Believing that fate or destiny is controlling your life is a great big lie. It does not control us, we control it. It is us who decide what to do, what not to do. If someone falls in love, you are never meant for each other, unless you make it happen. Unless you decide to be destined with each other. Eh, pano kung namatay yung minamahal mo o nawala siya sa buhay mo? Still, it is in the person to decide whether to accept his loss or not. Doon sa naiwan na tao nakasalalay kung habang buhay ba siyang magkukulong sa pait at sakit. Choice niya yun. 'Ika nga: the man is the weaver of his soul. So ano ang sasabihin mo kapag nag-break kayo ng syota mo? Just say, "We decide we were never meant for each other."

Now, folks, this is the summary of this crappy piece of work:

"How will you know that you have fallen in love?"

Sa una, wala lang talaga. You deny na meron talaga. And when you get hurt, kasi meron siyang iba or you are afraid, kasi baka layuan ka, aba teka, pag-ibig na nga ba? That's the time you decide, kung in love ka na ba or hindi pa.

Bakit mas Masaya ang High School Life kaysa College Life?

Halos ayan lahat ang bukambibig ng mga tao, kahit tanungin mo sila kung ano’ng parte ng buhay estudyante nila ang nais nilang balikan. Isa lang ang laging sagot, yung highschool life ko.

Dati iniisip ko kung bakit nga ba. Hanggang nagka-ideya ako kung bakit: Pumasok tayo sa highschool sa edad na 12 or 13. At nagtapos ng 16 o 17. Sa 4 years span ng paglagi natin sa highschool, masasabi natin na dumaan rin tayo sa isang bahagi ng development ng isang teenager, ang adolescence period. Kung saan naghalo ang saya natin bilang bata at pag-iisip natin bilang grown-up or isang nagbibinata at nagdadalaga.

Sa highschool, pwede pa tayong maglaro ng teks, pogs, taguan pung, patintero, Chinese garter at duel cards. Hindi pa tayo masyadong conscious sa mga itsura natin, kahit medyo haggard, pawisan, di pantay ang pagpupulbo, sabog ang buhok.

Dito rin natin nakilala si First Crush. Dito tayo unang kinilig. Dito tayo unang makapunta sa mall na hindi kasama ang kamag-anak o kapamilya. Dito tayo nagsimulang mag-avail ng “barkada picture package”. Dito tayo unang nakatikim ng alak. Dito tayo natuto ng brutal na pangungupya. Dito rin tayo natuto ng kapangyarihan ng “copy-paste” kapag gagawa ng projects or assignments. Ang daming UNA sa buhay natin dito. (at marami pang UNA, di ko na babanggitin yung iba.)

Sa highschool rin natin nakilala ang mga solid nating barkada. May pangalan pa. Mula sa initials ng pangalan o apelyido, o kaya naman sikat na banda, o galing sa isang astig na name, o acronym tulad ng SaNMaPogSS (Samahan Ng Mga Pogi Sa School) o kaya naman KOTG (Kikay on the Go) o kaya naman SBE (Solid Barkada Ever). Pero ngayong college wala nang teks at pogs. Wala na ring ten-twenty at doctor kwak-kwak. Wala na rin ang dating barkada. Magigising na lang tayo sa bagong mundong hindi natin alam kung ano ang i-o-offer. Pure competition. Kapaan ng ugali. Pakisamahan at minsan plastikan. Backstabbing, parinigan at murahan. Parang kahabaan ng EDSA, puro usok at polusyon. Puro bad vibes. Minsan malas mo pa kung pangit ang facilities. Mataas ang expectations sa’yo ng lahat ng tao. Para kang nakikipaglaban sa sarili mong World War III. College life nga naman.

Pero hindi naman lahat ng college life ng tao ay isang whirlwind. May ino-offer din itong masasaya sa buhay. Nakakapunta tayo sa malalayong lugar. Nakakalabas tayo sa maliit na mundo ng highschool. Nahahasa ang ating competitiveness. May mga barkada din tayong nakikilala dito, di nga lang sing solid ng SanMaPogSS, KOTG at SBE. Pero okay na yun.

Kung ako tatanungin, mas gusto ko talaga ang highschool life pero may isang bagay lang akong nais ipagmalaki nung tumuntong ako sa mundo ng kolehiyo, ang pagiging FIGHTER. Dito ako natutong lumaban sa buhay. Lumaban para sa pangarap. Dito ko naranasang matalo at bumangon. Dito ko naranasang tumayo sa sarili kong paa. Dito ko nasabi sa sarili kong “Kaya ko kayong lahat.” Ang buhay ay parang MRT station, minsan marami ka pang kailangang daanan para makapunta ka sa pinapangarap mong istasyon. Makakaramdam ka ng siksikan, minsan buong biyahe ka nakatayo, minsan patay ang aircon. Minsan naman may mabait na magpapaupo sa’yo at minsan kailangan mong maging listo para makaupo ka agad sa isang available na upuan. Masaya ang highschool life pero sa buhay natin, di lang puro saya, dapat may challenge na I think, yan ang specialty na offer ng COLLEGE life. Ano sa tingin mo?

Ang Mga Babae Talaga, Oo!

            Isang gabi habang nagpo-food trip ang magkaibigan sa terrace.

"Kamusta na, pare?”

“Ako? Okay lang. Ito nagmumuni-muni, nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba! Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? Eh, yung hirap na dinadaan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal niya? Ang feeling ng masaktan pagnabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap natin. Ang alam lang yata nila ay ang mamili ng manakit, at magsaya. Tingin mo?"

"Lagi naman ganun, eh. Una palang, lalaki na ang naghihirap. Hassle sa ’tin ang panliligaw pero bago pa yun, kung anu-ano pang diskarte ang gagawin natin para masabi sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap sabihin na mahal mo na yung babae, di ba? Tapos liligawan pa natin, patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max, maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, lahat na! Kulang nalang eh pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.

“Oo, tol. Sa trip lang nila. Wala silang paki kahit na mahal talaga natin sila. Basta ang alam nila, kapag hindi nila tayo trip, isang malaking ‘hindi’ ang makukuha natin, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa asing buong-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin sila, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang standards o uuwi ka na lang na badtrip, iiling-iling, at minsan, luhaan."

“Wala tayong magagawa, marami silang alibi eh, ito ang mga examples ng mga alibi nila: ‘Hindi pa ako ready, eh,’ ‘Sorry, pero I think we should just be friends,’ ‘Ha? Uhhmm, nagpapatawa ka ba?,’ ’Pag-iisipan ko muna,’ "Para lang kitang kapatid, eh.’ Isang malaking pagsaklob ng langit at lupa 'yon para sating mga lalaki.”

"At hindi lang yun, tol. Sa pre-relationship stage pa lang yun. Pag sinagot na nila tayo, sa atin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalaki kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtiya-tiyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo, tayo!”

“Sila? Ummm? Teka, isipin ko…Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat mag-meet; sila ang magte-text ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magde-demand sa’yo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kailan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kailan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kailan ka corny. Ewan! Ganun yata talaga."

"Hindi pa yun tapos, pare. Dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, eh di okay. Pag may problema, kasalanan natin. Hay, buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal natin kaya di na natin iniintindi yun."

"Pero alam mo, tol. Feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun? Iba tayo magmahal, eh. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubuslubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, magda-drama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan, kababaihan...Iba talaga tayo pagnagmahal."

"At ito ang pinakamasaklap. Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better satin, o kaya they need f*cking space and time muna. Badtrip ‘no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod."

"At ano pa ang kasamang hassle do’n? Syempre, wasak na ang imahe natin. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak."

"Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-o-offer sila ng "friendship" pagkatapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts natin nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image natin, at higit sa lahat, mag-iisip kung papano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomoroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makatulog…Ang hirap maging lalaki. Lagi ka nalang naiiwan sa ere. Ano, pare? Hindi ka na nga nagsasalita? In-love ka ‘no?"

“Ako, kamusta? Eto. Pa easy-easy, bubuntong-buntong hininga, titingin-tingin sa stars, mumuni-muni..."

Ang mga babae talaga, oo.

Facebook vs. Boyfriend

(For All the Girls Who Truly In Love with Facebook)

Addict ang girlfriend ko sa facebook. Araw-araw online siya. Araw-araw siyang naglalaro ng Farmville. Natatakot kasi siya na mabulok ang mga tanim niya. Pero natatakot din kaya siya na mabulok ang pagmamahal ko sa kanya?

Addict ang girlfriend ko. Hanggang gabi siya sa Treasure Isle. Sayang naman daw kasi ‘yong mga kayamanan. Pero minsan ba itinuring niya akong mahalaga?

Araw-araw siyang naglalaro ng Petville. Baka kasi gutom na ‘yong alaga niyang aso. Pero naisip ba niya ako? Gutom na rin kasi ako sa pagmamahal niya.

Palagi siyang naglalaro ng Restaurant City. Luto na daw kasi ‘yong mga pagkain do’n. Pero alam ba niya na baka mapanis ang pag-ibig ko sa kanya?

Palalagi niyang binibisita ang Cityville niya. Baka daw kasi pagnakawan siya. Pero hindi ba niya naisip na baka ang puso ko nakawin na ng iba?

Addict ang girlfriend ko sa facebook. I-a-upload niya kasi ang mga pictures niya at ita-tag sa mga friends niya. I-o-open niya ‘yong chat box para makausap ang mga kaibigan niya. Parang gusto ko na rin gumawa ng facebook. Tapos magpo-post ako sa wall niya.

“Hindi ko naman pinipilit na ako ang first priority mo. Okey na sa akin ‘yong nasa huli ako. Pero sana naman huwag mong iparamdam sa akin na gano’n ako kalayo sa puso mo.”

Sana isang araw, kapag nag-online ka, punta ka naman sa profile ko. Tapos punta ka sa photos,buksan mo ‘yong album. ‘Yong  ‘First Anniversary Photos with my One and Only.’ Tingnan mo ‘yong mga pictures. Ang saya-saya pa natin. Nagkukulitan. Nagtatawanan. Nami-miss ko na ‘yong mga yakap mo. Nami-miss ko na ‘yong mga halik mo.

Sana i-like mo naman `yong video natin. `Yong sinurpresa kita sa araw ng debut mo. `Yong hindi ka pa naglalaro ng farmville, wala pang petville, hindi pa uso ang treasure isle, `yong wala pang restaurant city, `yong wala ka pang Friends for Sale at cityville. `Yong wala pa ang mga `yan.

Sana kapag nag-lag out ka na, maisip mong, ``ay! Oo nga `no? May boyfriend pala ako.”
Hindi ko naman hinihiling na araw-araw tayong magkita. Na lagi tayong magkasama at laging magkausap.

Addict ang girlfriend ko. Addict siya sa facebook.

Sana…Ako na lang si Facebook. 

Ang Sarap Maging Batang Kalye

Masasabi kong medyo swerte ako. Kasi 1992 kid ako eh. Halfway ng modern at mga sinaunang laro ang mga naabutan ko. Tulad ng "Langit-Lupa", "Base to Base", "Patintero" at marami pang iba.

Malalaman mo na batang kalye ka kapag alam mong kantahin to: "Kapal ng mukha, di na nahiya. Dapat sayo pasabugin ang mukha. Ulo ulo lang, di kasama katawan. Pag kasama katawan, sabog pati laman. Ibong tiririt mayang.. pambansang walis..tingting. Tawas na durog para kay ______, may putok, ikaw yun."

Ang sarap alalahanin ang paglalaro ng Ice, Ice, Water kung saan kapag nahawakan ka ng taya, hihinto ka, at kapag nahawakan ka ng kapwa mo manlalaro at sinabing Water, doon ka pa lang pwedeng gumalaw. Kapag na-"ICE" kayong lahat, isisigaw niyo ang GENERIC word na nagsasabing tapos na ang lahat: "VIVA!" sabay upo at taas ng kamay na naka-PEACE sign, ang huling makaupo, siya yung taya. Naaalala ko rin yung paglalaro ng mga lalaki ng tanching ng mga flat na patong hugis superhero at paglalaro ng mga babae ng paper doll. Nasan na kaya ang mga jolens? yoyo? 

Naaalala ko rin nung bata ako, halos buong maghapon ako nasa kalye (kapag walang pasok) Aalis ako sa bahay namin ng may hawak ng kalahating dangkal na teks ng Dragon Ball o Ghost Fighter at uuwi akong may laman na ang bandang ibabang bahagi ng damit kong maluwang. Punung puno ng teks. Nanalo ako! Tapos sasabihin ng mga magulang ko, "Oh! Ilaga na natin yan!"

Hay! Nakakamiss talagang maging bata. May naalala pa ako. Naaalala ko yung pagbibilang ko ng teks! "Isang Babae.." bawal nang ituloy. haha. May taya pang sampu sa tigagalawa. Bet na lahat pati pato't pamanggulo. Ubusang lahi. Pabakas. Kapag may butal ang tawag dun ay "cha".

Ang sarap din maglaro ng tumbang preso, kutserokutsero, bente-uno, taguan at kung anu-ano pa.

May mga laro ding more on kanta. Bahay Kubo, na may iba't ibang variations pa ng paggalaw ng kamay. Meron ding mga larong pakanta lang, tulad ng "I wanna be a tutubi na walang.. tinatagong bato.. na nahulog sa lupa.. tinuka ng manok.. na nanggaling sa bundok." Meron ding mga larong kalyeng kailangan ng matinding honesty at pakiramdam: "Pass the Message" na hindi mo mamamalayang tapos na pala ang laro.

May mga nausong kanta din nung bata ako, yung "Sarah sarah prinsesa.. Lavinia Lavinia inggetera, Loti Loti iyakin, Emengard Emengard Sumbungin, Miss Amelia, Maawa ka, Miss Minchin, mukhang pera!" "Eugene, Taguro, Jeremiah Jericho, Lupin The Third Minahal si Fujiko"

May mga naging sikat na kanta din na sinasabayan natin mula sa mga palabas sa TV. "Aking Ina mahal kong ina, pagmamahal mo, aking ina." "Heidi, Heidi, anak pawis ka ng kabundukan" "Ako si Blink sa bawat oras naririyan, tutulong sa nangangailangan." "Sina B1 at B2 laging magkasama.."

Proud to be Pinoy din tayo. May mga sumikat na kanta mula sa mga palabas sa TV na gawa ng mga Pinoy. "Hirayamanawari, Hirayamanawari, mga pangarap natin, ating abutin, ang kapangyariha'y nasa puso natin, Hirayamanawari, ating abutin." "Bayahani.. Bayahani.. Bayani!" 
"Eksperimento 2x, tuklasin kung anong mangyayari dito."

Hay! Nakakamiss. Kawawa naman ang mga kabataan ngayon. Hindi na nakakalabas. Sina PSP, PS3, Wii, Internet at si Computer na lang ang mga nagiging kaibigan. Sana, maranasan rin nila yung mga naranasan ko. Sana maging batang kalye din sila. Para masaya!

The Month of August

  • is the 8th month of the year.
  • one of 7 months having 31 days.
  • originally named ‘Sextilis’ meaning the 6th month before January and February were added to the original 10-month calendar.
  • named after the Roman Emperor Augustus, a nephew of Julius Ceasar.
  • originally had only 30 days but was lengthened to 31 as the Roman Senate thought it should equal Julius’ month (July) as they are both superior. Hence, August breaks the chain of alternating 30 and 31 days (except February) in the Julian Calendar.
  • August and February start on the same day in leap years while in ordinary years, August starts on the day of the week like no other months do.
  • the extra day that was added to August was taken from February which then had 29 days in common years and 30 in leap years. This was done to adjust and fill the importance of August.
  • people born on this month fall under the signs of Leo and Virgo.
  • birthstone is Peridot.
  • birth flower is Poppy.
  • August is the month when the Perseids meteor shower occurs.
  • Ushers the ‘BER’ months.
  • Famous birthday celebrants of this month include US President Barrack Obama, King of Pop Michael Jackson, Queen Elizabeth (the mother), Astronaut Neil Armstrong, Mother Teresa, NBA Star Kobe Bryant, Wrestling Superstar Hulk Hogan, Novelist Danielle Steel, Pop Icon Madonna, Actors Ben Affleck and Richard Gere, Jonas Brothers’ Joe and Harry Potter’s Rupert Grint.